Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano ang Lumbar Epidural Injection?

Ang lumbar epidural injection ay isang iniksyon sa lugar sa paligid ng spinal cord na ginagamit upang gamutin ang pananakit ng ibabang bahagi likod. Ang iniksyon ay naglalaman ng isang pampamanhid na gamot at isang steroid, at makakatulong na mapawi ang pananakit sa ibabang bahgi ng likod at binti kasabay ng physical therapy, isang programa ng ehersisyo sa bahay, o pareho. Ang isang epidural injection ay maaaring maibsan ang pananakit at pahintuin ang siklo ng pananakit. Maaaring magsimula ang siklo na ito kapag ang pananakit sa likod ay nagpapahirap sa paggalaw. Ang kakulangan sa paggalaw ay maaaring makapagpabagal sa proseso ng paggaling. Sa pamamagitan ng pagkilos muli, ang iniksyon ay makakatulong na mapabilis ang iyong paggaling. Ang ilang tao ay maaaring makaramdam ng higit na kaginhawahan mula sa isang iniksyon kaysa sa iba. At ang ilang tao ay maaaring mangailangan ng higit sa 1 iniksyon upang makaramdam ng ginhawa. Karaniwan, hindi hihigit sa 3 iniksyon ang ginagawa sa loob ng 12 buwan. Kung hindi nakatulong ang unang iniksyon, mas mababa ang tyansa na makatulong ang isa pa.

Isang tool para sa diagnosis

Maaaring makatulong ang isang iniksyon na mahanap ang pinagmumulan ng pananakit. Tinatawag din na selective nerve block o isang selective epidural, pinamanhid nito ang mga ugat ng mga partikular na nerve. Ang epekto ay tumatagal lamang ng panandalian. Ngunit kung nakaramdam ka ng ginhawa, maaaring ipahiwatig nito ang pinagmulan ng pananakit. Kung wala kang naramdamang ginhawa, maaaring nangangahulugan ito na ang pinagmumulan ng pananakit ay nasa ibang antas sa iyong gulugod. O maaaring nangangahulugan ito na iba maliban sa pamamaga ang nagdudulot ng pananakit. Ang mga resulta ng iniksyon ay maaari ring gamitin upang makatulong na magplano ng operasyon sa likod, kung kinakailangan.

Mga posibleng panganib at komplikasyon

Narito ang ilang mga panganib ng lumbar epidural injection:

  • Pananakit ng ulo dahil sa gulugod. Ito ay isang masakit na pananakit ng ulo na lumalala kapag nakatayo o nakaupo nang tuwid.

  • Pagdurugo (bihira)

  • Impeksyon (bihira)

Online Medical Reviewer: Jennifer Ciccone NP
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 10/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer