Ano ang Dapat Malaman Kapag Umiinom ng Warfarin
Kinokontrol ng gamot na warfarin ang kung paano mamuo ang iyong dugo. Ginagamit ito upang tumulong na maiwasan ang mga pamumuo ng dugo na maaaring magdulot ng malulubhang problema sa kalusugan. Maaaring umiinom ka ng warfarin para mabawasan ang iyong panganib sa stroke o atake sa puso. O maaaring iniinom mo ito para pigilin ang namuong dugo mula sa pagpunta sa iyong baga. Pero maaari ding pataasin ng warfarin ang iyong panganib ng pagdurugo. Maaaring maging mapanganib ito. Dahil dito, kakailanganin mong gumawa ng mahahalagang hakbang kapag umiinom ka ng warfarin.

Bago mo simulan ang warfarin
Bago simulan ang warfarin, sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung nagkaroon ka na ng alinman sa mga ito:
-
Ulcer sa sikmura
-
Pagsuka ng dugo, o mapula o maitim na dumi
-
Anumang sakit sa puso o daluyan ng dugo
-
Isang sakit sa dugo
-
Isang stroke o transient ischemic attack (TIA)
-
Sakit sa kidney o atay
-
Lupus o iba pang sakit na collagen-vascular
Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ikaw ay:
-
Buntis o nagpapasuso
-
Mas bata sa 18 taong gulang
-
Nagkaroon kamakailan ng pamamaraan sa ngipin o operasyon
-
Mayroong paparating na pamamaraan sa ngipin o operasyon
-
Nagkaroon ng pagbutas sa gulugod, kamakailang anesthesia sa gulugod, o operasyon sa gulugod
Maraming gamot ang nagdudulot ng problema kung ininom mo ang mga ito habang umiinom ka ng warfarin. Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa bawat gamot na iniinom mo. Maaaring maging mapanganib para sa iyo na uminom ng ilang gamot at suplemento, gaya ng:
-
Mga gamot na pampalabnaw ng dugo, tulad ng aspirin, clopidogrel, ticagrelor, o prasugrel
-
Antibayotiko
-
Mga gamot sa puso
-
Cimetidine
-
Ibuprofen
-
Naproxen, ketoprofen, o iba pang gamot sa arthritis
-
Mga gamot para sa depresyon, kanser, HIV, diabetes, kumbulsyon, gout, mataas na kolesterol, o thyroid
-
Mga bitamina na mayroong bitamina K
-
Mga produktong halamang gamot tulad ng ginkgo, Q10, bawang, o Saint John's wort
Hindi isinasama ng listahang ito ang lahat ng gamot at suplemento na makaaapekto kung paano gumagana ang iyong gamot. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at pharmacist. Maaaring baguhin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan o sabihin sa iyo na ihinto ang pag-inom ng ilan sa mga ito bago ka uminom ng warfarin.
Pag-inom ng warfarin ayon sa itinagubilin
Kakailanganin mong inumin ang gamot nang eksakto ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Tiyakin na:
-
Inumin ito sa parehong oras bawat araw.
-
Inumin ito nang may kasamang isang buong baso ng tubig. Maaari mo itong inumin na mayroon o walang pagkain.
-
Gumamit ng pillbox para tumulong na panatilihing masubaybayan ang iyong mga dosis.
-
Kung nakaligtaan mo ang isang dosis, tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan upang malaman kung gaano karami ang iinumin.
-
Huwag kailanman uminom ng dalawang dosis. Kung uminom ka ng marami, maaari itong magdulot ng pagdurugo sa labas at loob ng iyong katawan.
Pagpapanatli ng ilang pagkain sa iyong diyeta
Makaaapekto ang ilang pagkain sa kung paano gumagana ang warfarin.
Maraming pagkain ang nagtataglay ng bitamina K. Isang substansya ang bitamina K na tumutulong sa iyong pamumuo ng dugo. Kaya maaaring makaapekto ang pagkain ng mga pagkaing nagtataglay ng bitamina K sa paraan kung paano gumana ang warfarin. Hindi mo kailangang iwasan ang mga pagkaing mayroong bitamina K. Ngunit kailangan mong panatilihin ang dami ng mga ito nang tuluy-tuloy—halos pareho bawat araw. Kasama sa mga pagkaing may bitamina K ang:
-
Asparagus
-
Avocado
-
Broccoli
-
Repolyo
-
Kale
-
Spinach
-
Ilang iba pang madahong berdeng gulay
-
Mga langis tulad ng soybean, canola, at olive
Makaaapekto ang ilang pagkain at inumin sa kung paano namumuo ang iyong dugo. Kakailanganin mo ring panatilihing di-nag-iiba ang dami ng mga ito sa iyong diyeta. Kasama sa mga ito ang:
-
Mga cranberry at katas ng cranberry
-
Mga suplemento na fish oil
-
Bawang, luya, licorice, at luyang dilaw
-
Mga halamang gamot na ginagamit sa mga tsaa o suplemento na halamang gamot
-
Alak
Kung binago mo ang iyong diyeta para sa anumang kadahilanan, gaya ng sa kaso ng sakit o para magbawas ng timbang, sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.
Pag-iwas sa pinsala
Sa sandaling umiinom ka na ng warfarin, kakailanganin mo ng karagdagang pag-iingat. Dahil gagawin ka nitong mas magdugo, kakailanganin mong protektahan ang iyong sarili mula sa mga sugat sa balat. Upang gawin ito:
-
Huwag maglakad nang walang sapin sa paa. Laging magsuot ng sapatos.
-
Huwag ikaw mismo ang pumutol sa kalyo o mga lipak.
-
Gumamit ng electric razor sa halip na manwal na razor.
-
Gumamit ng sipilyo sa ngipin na malambot ang bristle at dental floss na may wax.
Kakailanganin mo ring iwasan ang anumang aktibidad na maaaring magdulot ng pinsala. Kung mahulog ka o napinsala, tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring may pagdurugo ka sa loob ng iyong katawan at hindi mo ito alam. Siguraduhing humingi kaagad ng medikal na pangangalaga kung magkaroon ka ng:
Pagpapasuri ng iyong dugo
Kakailanganin mong ipasuri ang iyong dugo sa regular na iskedyul. Sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung gaano kadalas mo kailangang ipasuri ang iyong dugo. Ito ay upang makasiguro na iniinom mo ang tamang dami ng warfarin. Maaaring magdulot ng pagdurugo ang sobra, na maaaring maging malubha. Kung kakaunti, maaaring hindi mapigil na mapinsala ka ng pamumuo ng dugo.
Sinusuri ng mga pagsusuri ng dugo ang iyong international normalized ratio (INR) at prothrombin time (PT). Ipinakikita nito kung gaano kabilis namumuo ang iyong dugo. Magkasama, tinatawag ang test na ito na PT/INR.
Maaaring kailangan mong bumisita sa isang ospital o klinika upang ipasuri ang iyong dugo. O, maaaring pumunta ang isang nars sa iyong bahay at suriin ang iyong dugo. Sa ilang kaso, maaari mong suriin ang iyong dugo sa bahay gamit ang isang maliit na makina. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan upang malaman ang pinakamainam para sa iyo. Huwag palampasin ang anumang appointment para ipasuri ang iyong dugo. Kung mayroon kang pagsusuri ng dugo na hindi sa opisina ng iyong tagapangalagan ng kalusugan, siguraduhing tumawag sakanila sa sandaling makuha mo ang mga resulta ng iyong pagsusuri.
Pagkatapos ng pagsusuri ng dugo, maaaring sabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na baguhin ang iyong dosis ng warfarin. Inumin ang gamot nang eksakto kung paano ito itinagubilin. Huwag ihinto ang pag-inom nito maliban kung sinabi ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na gawin mo.
Mahahalagang payo
Habang umiinom ng warfarin:
-
Siguraduhing iulat ang anumang bagong gamot na sinimulan ng sinuman sa iyong mga tagapangalaga sa team na namamahala ng iyong warfarin. Maaaring kailanganing subaybayan ka nang mas madalas matapos simulan ang bagong gamot, palitan ang dosis, o ihinto ang isang gamot na iniinom mo na.
-
Huwag ihihinto ang gamot nang hindi nakikipag-usap sa iyong tagapangalaga. Kung mayroon kang paparating na operasyon o pamamaraan, bibigyan ka ng partikular na mga tagubilin ng iyong surihano at tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung paano babaguhin ang iyong dosis upang maiwasan ang labis na pagdurugo para sa iyong pamamaraan o operasyon.
-
Sabihin sa lahat ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na umiinom ka ng warfarin. Kasama rito ang iyong dentista, chiropractor, mga nars, physical therapist, at home health nurse.
-
Laging magsuot ng medical alert na bracelet o magdala ng ID card sa iyong pitaka na nagsasabing umiinom ka ng warfarin.
-
Sundin ang lahat ng appointment mo para sa iyong mga pagsusuri ng dugo.
-
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago uminom ng anumang bagong gamot. Kasama rito ang mga gamot na nabibili nang walang reseta o over-the-counter. Kasama rin dito ang mga suplemento, halamang gamot, o bitamina.
-
Sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan na namamahala ng iyong warfarin kung pinalitan mo ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
Tumawag sa 911
Pinatataas ng warfarin ang iyong panganib ng pagdurugo. Tumawag kaagad sa 911 at sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago ka uminom ng iyong susunod na dosis ng warfarin kung mayroon ka ng alinman sa mga problemang ito:
-
Pagdurugo na hindi humihinto
-
Pag-ubo ng dugo
-
Pagsuka ng dugo o mukhang giniling na kape
-
Pagduduwal, pakiramdam na busog, o pagtatae
-
Matingkad na pula o kulay kape na ihi
-
Mapula o maitim, na mga dumi
-
Pagkahilo, pananakit ng ulo, pagkalito, panghihina, o pagkapagod
-
Pananakit ng dibdib o hirap sa paghinga
-
Isang malubhang pagkahulog o suntok sa ulo
-
Mga palatandaan o sintomas ng stroke (paglaylay ng mukha, nahihirapang magsalita, panghihina ng isang bahagi ng katawan)
-
Mga palatandaan ng reaksyon na allergy gaya ng pamamaga ng bibig, mga labi, lalamunan, dila, o mukha; pantal; pamamaos ng boses; o hirap huminga o magsalita
-
Matinding pananakit, pagkawala ng pakiramdam, pagbabago ng kulay ng balat, at pagbabago ng temperatura sa isang bahagi ng balat o braso o binti; maaari nitong ipahiwatig ang bihira ngunit malubhang masamang epekto ng warfarin kung saan ang balat at tisyu ay hindi dinadaluyan ng dugo
Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Kasama sa iba pang agaran o mahahalagang palatandaan o sintomas na gusto mong itawag sa iyong tagapangalaga ang:
-
Pamamaga o pananakit pagkatapos ng isang pinsala
-
Pamamaga o pananakit sa lugar ng iniksyon
-
Nagdurugong mga gilagid pagkatapos magsipilyo ng iyong mga ngipin
-
Lagnat o sakit na lumulubha
-
Pagdurugo ng almoranas
-
Mas malakas kaysa normal na regla o pagdurugo sa pagitan ng mga regla
-
Pula o itim at asul na mga marka (mga pasa) sa balat na lumalaki
[TANDAAN: Maaaring hindi kasama sa paksa ng impormasyong ito ang lahat ng tagubilin, pag-iingat, medikal na kondisyon, gamot/mga interaksyon sa pagkain, at babala para sa gamot na ito. Magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, nars, o pharmacist ng anumang tanong na maaaring mayroon ka.]